JE # 123 – Para sa’yo ano ba ang Pasko?
By LJ Salceda / DZAS
Paano kung walang Christmas tree at ‘di malamig ang simoy ng hangin?
Walang parol, belen at iba pang dekorasyong nakabitin?
Walang mga regalong bubuksan o grocery bags mula sa iyong bossing?
Walang cantata, Christmas carols at mga nangangaroling?
Paano kung wala si Frosty, si Rudolph at si Santa?
Wala ang mga pantas at ang bituing gabay nila?
Walang Christmas cards o package na ipadadala?
Walang hamon, puto bumbong, pati keso de bola?
Paano kung walang paputok at fireworks display?
Wala ka pang bonus at 13th month pay?
Walang Christmas parties at iba pang mga programa?
Malayo sa’yong bayan at wala pang kasama?
Paano kung walang December 25 sa isang taon?
Wala simbang-gabi, Noche Buena sa ating panahon?
Paano kung walang mangyari sa iyong mga hinihiling?
Pasko pa rin ba itong maituturing?
Pag-isipan mo…
Ano nga ba talaga ang Pasko?
O baka naman napalitan na ito ng mga simbolo?

